AuthorAgatha Buensalida

Isa sa mga aktibong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging fellow rin siya sa UST National Writers’ Workshop at sa Cavite Young Writers Online Workshop. Napabilang ang kanyang mga tula sa ilang publikasyon, katulad ng BAGA at LILA: Antolohiya ng mga Babaeng Makata ng LIRA.

Nang Dalawin Mo Ako

N

Hanging posas, hanging rehas ang pagitan Noong dumalaw ka. Ang kamay ko’y preso; Di ko alam kung pa’no ka hahawakan. Ang ating kumusta ay tanong-sagutanSa ating maskarang ikinakandado:Hanging posas, hanging rehas ang pagitan. Baldado ang paang bawal kang lapitan. Piitan ‘tong patlang na layo ko sa ‘yo— Di ko alam kung pa’no ka hahawakan. Abot-tanaw kita sa salaming harang Ngunit di marinig, tinig...

Paglimot

P

Ang gunita mo sa akin ay tamis nitong umagang Pinapait na ng alon sa iniinom kong kape.Ang imahen ko sa iyong mga mata’y di na parte Ng padilat mo—natipon na sila sa aking tasa. Wari ko ay may nabuong siklon ang iyong pahalo;Nakulangan sa asukal dahil iyo nang nalimotPati ang ibig kong timpla. Lahat ng nga ay hinigopNg nalikha mong buhawi’t kabilang ka sa naglaho. Kung bakit kailangan kang ubanin...

Upa

U

Parang barat na nangungupahanAng itinagong anak sa labas—Sakop niya ang buong tahananNg legal na maybahay at anak.

Di niya kailangang magbayadNg kaniyang lugar sa pamilya,Ang ama ang humingi ng tawadSa binigong anak at asawa.

Ngunit utang pa rin ang espasyo.Mananatiling di maaangkinMaski pa maging mabuting tao,Laging nakaantabay ang singil.

Matimbang man sala ang dugo,Poot ay di pa rin mapupugto.

Demi

D

Mayro’ng lunas sa pighati at kawalanNg pag-ibig sa sarili—mapaparamAng tinig ko sa pagsikat nitong araw.Ang awit ko’y titigil na sa pagkinangAt ang mundo’y di na ako mahahagkanPagkat lason sa dugo ko ang gagapang.Madarama ang paghitngo sap ag-iralNg iisa’t abang buhay at ng lumbay Na alam kong maaaring di mangyari.Kung hindi ko magagawang humulagpos,Hanggang ngayon, ang ngiti ko’y magpapanggapAt...

Sanghiyang

S

Sa kalsada, may mga talampakangnagsasayaw,nalalapinos sa bagapara sagipin ang buong katawanmula sa pagkatupok. Sa bahay, may braso,may likod, may bintimay puke na nagtitimpi.Nalalapnos sa bagang iniibigpara sagipin ang pusomula sa pag-iisa. Kagabi,sinubukan kong ginamutinang lapnos na katawan ni Inay.Nakadungaw siya sa bintananang sagiin niya ang hawak kong bulak.Tinitigan niya ako nang matagal...

Ang lata ng s26 gold

A

Ito ang patunay na hindi ako naging mabait na bata. Biruin mo, sinuyod na ni Mama ang lahat ng tatak mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal, di ko pa rin magawang maubos ang isang basong gatas. Hanggang otso anyos, ganito ang eksena: itatapon ko sa lababo ang timpladong Birch Tree pag wala nang tao sa sala. Grade 4 ako nang isilang ang kapatid ko. Pagkatapos umimpis ng tiyan ni Mama, lumobo...

Kaya Ko pang Magbilang

K

Naghahati ang hapon at umaga sa pagitanng alas-singko at alas-otso at alas-otso at alas-singko.Ikalabindalawang araw ng pagkukulong: dalawang bote na langng nabilad na San Mig Light ang nagpapagaan sa araw ko.Tatlong kilong bigaslimang de lataapat na instant noodleslimang energenang gumising sa akin kaninang umaga siyam na doktor ang namatay sa ospital siyamnapu’t pito na ang inuubo’t nilalagnat...

Lansa

L

Dinala mo ang karagatan sa aking silid nang sabihin mong mahal mo rin ako. Tinanggap ko ang babaw at lalim ng tubig, ang alat, ang humahampas na alon.Pag-ibig mo ang naging guro ko sa paglangoy.Natutuhan kong makipagsagupaansa misteryo ng dagat at ng takotna malunod kaya nang lumusong ka sa pinakailalim, sinundan kitahanggang sa tubuan tayo ng kaliskis at ilaw sa ulo. Kaya kaninang umaga, di ko...

Isang Gabi

I

Marami ang mga gabínginihihingi ka ng tawad sa akinng mga kuliglig.Palakas sila nang palakassa tuwing pilit mo akong hinahalikanat di ako makapalag.Tila ba pinagagalitan ka nilao sinusubukan nilang palakasinang hindi ko maihikbing iyak.Minsan pa’y nakikisali rin ang mga ipis— lumilipad-lipad at dinadapuan ka kapag ipapasok mo na ang iyo sa akin. Marahil, upang mas mandiri ako sa ‘yo. Maging ang...

Ang Kulay ng Panibugho

A

Pagkat tinatangay ng hangin ang ating tikas, nagiging mga alipato táyong nililisan ng ningas. Nalalaglag ang ating bait, nagkakalat sa sahig, sumisiksik sa mga siwang gaya ng mga abong tumatalsik galing sa pinipitik mong tabako uma-umaga. Ngayong inuuban na ang ‘yong tuktokat isinusubsob ka na ng sariling balangkas, nanghiram ka ng mata sa aso, ng lalamunan— nandidilim ang paningin mo’t...